Tatlong Lalaki, Nakaburol Dahil sa Away ng Dalawang Pamilya!

138

Ilagan City, Isabela – Tatlong lalaki ngayon ang nakaburol sa Barangay San Vicente Quirino, Isabela matapos pagbabarilin ang unang biktima nitong nakaraang Sabado at ang dalawa ay kahapon ng madaling araw sa Barangay Mangcuram, Ilagan City, Isabela.

Sa naging pahayag ni Police Superintendent Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station, may dati nang away noong nakaraang taon ang pamilya Dalit at Rapisora.


Sinabi pa ni Police Superintendent Pagalilauan na isa ito sa nakikitang anggulo sa mga naganap na pagpaslang kina Julius Dalit nitong nakalipas na May 26, 2018 at pamamaril din sa magkapatid na Danny at Joel Rapisora kahapon, May 28, 2018.

Kaugnay nito, naaresto ang suspek sa pagpatay ng dalawang magkapatid dahil sa isang saksi at ito umano ay isa sa kamag-anak ng pamilya Dalit kung saan ay kasalukuyang isinasailalim sa inquest proceedings.

Samantala nahuli ang suspek kahapon sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Ilagan City Police Station at Quirino Police Station.

Facebook Comments