KASADO NA | Pagsisimula ng fire prevention month, pinaalala ng Bureau of Fire Protection

Manila, Philippines – Kasado ang mga aktibidad ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa pagsisimula ngayong araw ng fire prevention month.

Muli ring nagpaalala ang BFP sa publiko na maging fire conscious para maging ligtas lalo na ngayong mainit ang panahon.

Ngayong taon ang tema ng kampaniya ng BFP ay “Ligtas na Pilipinas ang ating hangad, pag-iingat sa sunog sa sarili ipatupad”.


Magkakaroon ng motorcade at iba pang fire awareness campaign.

Facebook Comments