KASADO NA | Seguridad at kaayusan sa isasagawang World Wide Walk ng INC, handa na

Manila, Kasado na ng Manila Police District (MPD) ang seguridad para sa isasagawang pandaigdigang paglalakad ng Iglesia Ni Cristo (INC) na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Linggo, Mayo 6.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo, sisimulan ang paglalakad sa Pasay City patungo sa Rizal Park 4 ng madaling-araw pa lamang.

Layon ng World Wide Walk ng INC na labanan ang kahirapan at iangat ang kabuhayan ng sambayanang Filipino sa pamamagitan ng pananalangin at pagkakaisa.


Paliwanag ni Margarejo na, tatlong libong pulis ang ipakakalat ng Manila Police District upang pangalagaan ang mga kalahok na mananampalataya mula sa kanilang pag pasok sa hurisdiksiyon ng Manila police hanggang sa Area ng Quirino Grandstand.

Ilang lansangan din ang isasara kabilang na rito ang East at Westbound lane ng Padre Burgos mula sa Roxas Boulevard hanggang sa Lagusnilad ang magkabilang lane naman ng Finance Road mula sa Taft Avenue patungo sa Padre BurgosAng East at Westbound lane ng TM Kalaw mula sa Taft Avenue hanggang sa Roxas Boulevard

Ang westbound lane ng President Quirino, mula sa Taft Avenue hanggang sa Roxas Boulevard

Ang north at southbound lane ng Bonifacio Drive ng Bonifacio Drive mula sa Anda Circle patungo sa P. Burgos

At ang North at South bound lane ng Roxas Boulevard mula sa Padre Burgos hanggang sa P. Ocampo.

Magpapalabas din ng rerouting ang Manila Police District kaugnay sa mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga apektadong sasakyan.

Facebook Comments