KASALAN NA! | Aljur Abrenica – namanhikan na sa pamilya ni Kylie Padilla

Manila, Philippines – Kinumpirma ng aktor na si Vin Abrenica na namanhikan na ang kuya niyang kapatid na si Aljur Abrenica sa pamilya ni Kylie Padilla.

Kwento ni Vin, naganap ang pamamanhikan noong Pebrero.

Masaya raw ang buo nilang pamilya dahil pinaramdam sa kanila ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na sobrang welcome sila.


Nauna nang napabalita na nagtampo si Robin kina Kylie at Aljur matapos na hindi masunod ang gusto niyang makasal muna sila bago manganak ang aktres.

Pero ngayon, ok na umano ang relasyon ni Aljur kay Robin.

Ngayon pa lang ay excited na sina Kylie at Aljur sa pagpaplano ng kanilang kasal kung saan magsisilbing ring bearer ang anak nilang si Alas.

Facebook Comments