PANANAGUTIN | Buko vendor na binugbog ng mga tauhan ng MMDA, desididong magsampa ng kaso

Manila, Philippines – Desidido ang buko vendor na si Romnick Relos na kasuhan ang labindalawang tauhan ng MMDA-sidewalk clearing operations group na nambugbog sa kanya sa Pasay noong Biyernes.

Kaninang umaga nang humarap sa mga opisyal ng MMDA si Relos kung saan kinuwestiyon din niya ang pagdadala ng baril ng team leader ng MMDA-SCOG.

Tiniyak naman ng MMDA na magiging patas ang kanilang imbestigasyon.


At habang ini-imbestigahan, hindi muna isasama sa mga clearing operation ang 12 nilang tauhan na sangkot sa pambubugbog.

Facebook Comments