KASALANG BAYAN 2025, GAGANAPIN SA ARAW NG MGA PUSO

CAUAYAN CITY – Inaasahan ang isang makulay at makasaysayang selebrasyon sa bayan ng San Mateo, Isabela sa darating na Pebrero 14, 2025, sa pagdaraos ng Kasalang Bayan 2025.

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng San Mateo, sa pamamagitan ng Civil Registry Office, inaanyayahan ang lahat ng interesadong magpakasal na sumali sa libreng mass wedding.

Kabilang sa mga maaaring sumali sa mass wedding ay mga dalaga at binata na 18-anyos pataas, mga nagsasama ng mahigit limang taon na walang kakayahang magpakasal, at mga biyuda at biyudo.


Hinihikayat ang mga interesadong magparehistro nang maaga upang maproseso nang wasto ang mga kinakailangang papeles.

Ayon sa LGU San Mateo, ang deadline ng aplikasyon para sa license of marriage ay sa Pebrero 3, 2025.

Ang Kasalang Bayan 2025 ay layong magbigay ng oportunidad sa mga magkasintahan na gawing opisyal ang kanilang pagsasama.

Facebook Comments