Kasalang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, postponed dahil sa COVID-19

216
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez. Photo: Pat Dy/ Instagram

Ipinagpaliban muna nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kasal nilang nakatakda sana bukas, Marso 14, dahil sa banta ng COVID-19.

Pinahayag ng celebrity couple ang kanilang desisyon sa Instagram kasama ang isang litrato mula sa prenup shoot nila sa Palawan.


“As much as we want to celebrate our love with our family and friends, in light of the recent situation we have decided to postpone our wedding as we do not want to put anyone at risk,” anila.

“Thank you so much to those who flew in and to everyone who worked so hard for our special day. We only wish good health for everyone and we hope to celebrate with you as soon as things get better. Much love, Richard & Sarah.”

Nilabas nila ang naturang anunsyo ilang araw mula nang nagdeklara ng state of public health emergency ang gobyerno.

Matatandaan ding ilan sa principal sponsors sa enggrandeng kasalan ay mga bigating personalidad, kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte at mga opisyal ng media giants GMA at ABS-CBN.

Facebook Comments