Manila, Philippines – Kasama na rin ngayon sa mga bagong miyembro ng Supreme Court 2nd Division si Associate Justice Ramon Paul Hernando.
Epektibo sa January 5,2019 magiging kasapi na ng Second Division si Justice Hernando.
Bukod dito, regular member din si Justice Hernando ng Third Division ng Korte Suprema.
Hiniling naman ng dalawang division na huwag pagsabayin ang sessions ng Second at Third Divisions para kapwa ito madaluhan ng nasabing mahistrado.
Facebook Comments