Pasig City, Philippines – Matapos ang apat na buwang pagtatago, naaresto na ang kasambahay na tumangay sa pitong milyong pisong halaga ng mga ari-arian ng kaniyang amo sa Quezon City.
Naharang ng mga otoridad ang suspek na si Wendy Nevado sa Marcos Highway sa Pasig City.
Inamin naman ng suspek na siya nga ang nakunan noong Pebrero sa CCTV na tumangay ng pera na inilagay niya sa mamahaling designer bag.
Pero hindi aniya umabot ng pitong milyon piso ang kaniyang ninakaw.
Giit pa ng suspek, hindi siya kasambahay kundi siya ay nagbabayad ng renta sa bahay ng biktima.
Ayon kay Criminal Investigation And Detection Group-Detection And Special Operations Unit (CIDG-DSOU) chief inspector Elvis Angayangay, naghain na ng mga kasong robbery, estafa, libel at paglabag sa republic act 8484 o mas kilala bilang access devices regulation act of 1998 ang QCPD sa prosecutors office laban suspek.
Maliban rito, napag-alaman rin na nahaharap na rin ang suspek sa kasong swindling at other deceit kung saan sinanla niya ang isang bahay sa tatlong katao.
DZXL558