Mga security agency, pinulong sa Legazpi City kaugnay sa naganap na insidente sa Resorts World Manila

Legazpi City, Philippines – Pinulong ngayon ang lahat ng security agency ng iba’t ibang establisyimento sa Legazpi City.

Ayon sa pagpupulong, ito ay paghahanda para malaman kung may sapat na kaalaman at kakayanan ang mga ito sa oras ng krimen at kung anumang kaguluhan.

Ito’y matapos maganap ang insidente sa Resorts World Manila kung saan ay may pagkukulang mula sa kanilang security agency.


Ang trabaho aniya ng PNP ay punan ang kakulangan ng mga security agency katulad ng mga kasanayan, armas at personel para hindi na maulit pa ang malagim na insidente sa Resorts World Manila sa Pasay City.
DZXL558

Facebook Comments