Kasambahay ng Gobernador, Positibo sa COVID-19; 14 days lockdown, ipinatupad sa kanyang Bahay

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Quirino Governor Dakila Carlo ‘Dax’ Cua na kanyang kasambahay ang kauna-unahang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Gov. Cua, hindi rin nito inasahan na magpopositibo sa virus ang kanyang kasambahay dahil ng magkaroon ito ng karamdaman ay agad itong dinala sa Quirino Provincial Medical Center para sa atensyong medikal.

Lumabas sa pagsusuri ng doktor, isang non-covid-19 related case ang naging diagnosis ng doktor hanggang sa nagdesisyon na isailalim din sa RT-PCR test na kalauna’y nagpositibo sa virus.


Agad namang sumailalim sa swab test ang gobernadora maging ang mga medical staff na umalalay sa pasyente para sa pagsisigurong ligtas ang mga ito sa banta ng virus.

Samantala, isinailalim na sa 14-days lockdown ang mismong bahay ni Gov. Cua habang mananatili namang ang operasyon ng kapitolyo sa kabila ng may naitala ng unang kaso ng coronavirus ang probinsya.

Hiniling naman nito sa publiko na ipagdasal na magiging maayos ang sitwasyon sa lalawigan sa harap ng pandemya.

Facebook Comments