Kasikatan ng isang kandidato sa social media, hindi basehan kung mataas ang tyansang manalo ang isang kandidato

Iginiit ng partidong Aksyon Demokratiko ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi basehan ang pagtrending ng isang kandidato sa social media para masabing mataas ang tyansang manalo sa 2022 elections.

Ito ay kasunod ng pagbuhos ng mga suporta kay Vice President Leni Robredo noong nakaraang linggo kasunod ng kaniyang pag-aanunsiyo ng kandidatura bilang presidente.

Ayon kay Aksyon Demokratiko Chairperson Ernest Ramel, mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga Pilipinong apektado ng pandemya at hindi ang mga kung anu-anong pakulo.


Nakakasawa na rin aniya ang isyu ng yellow supporters kontra Marcos supporters na hindi naman nakatutulong sa pagbangon ng bansa.

Samantala, nilinaw ni Ramel na nagbitiw si Cesar Chavez bilang chief of staff ni Moreno dahil sa kaniyang bagong posisyon sa isang radio station.

Facebook Comments