Inilunsad sa bayan ng San Fabian ang Revitalized KASIMBAYANAN Program ng Philippine National Police.
Layunin ng programang ito na palakasin ang pagtutulungan ng PNP at simbahan upang lubos na mapaglingkuran at magampanan ang tungkuling pangalagaan ang mamamayan.
Ang programang KASIMBAYANAN ay binibigyang kahalagahan ang magkatuwang na gampanin tungo sa pagkakaisa at pagtutulungan para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga batas at programa sa kapakanan ng nakararami.
Nakiisa at nangako naman ang simbahan na magiging epektibong katuwang sila ng mga kapulisan sa pagtugon upang mabawasan ang mga nangyayaring krimen sa lipunan, at mangibabaw ang katarungan at kapayapaan. |ifmnews
Facebook Comments