Kasintahan ng DJ na nambugbog ng girlfriend, posibleng arestuhin ng NBI ngayong Valentine’s Day

Posibleng arestuhin ng National Bureau of Investigaiton o NBI ngayong araw na ito ang boyfriend ni Club DJ Jelly Aw.

Ito ay matapos na dumulog sa NBI si Aw para ireklamo ang ginawang pambubugbog sa kanya ng kasintahan.

Ipinakita pa ng biktima ang mga pasa niya sa mata, mukha at pinsala sa ngipin ng matinding pambubugbog ng kasintahan.


Ayon kay Santiago, tinatrabaho na ng kanilang mga tauhan ang posibleng pagdampot sa boyfriend ng DJ.

Partikular na dumulog si Aw sa Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Division ng NBI.

Una nang napaulat na selos ang dahilan ng pambubugbog ng suspek.

Facebook Comments