
Hiniling ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa Bureau of Customs (BOC) na pigilin ang release ng 19 na container vans sa Manila South Harbor matapos matuklasan sa spot inspection na may misdeclaration sa laman ng isa sa mga kargamento.
Ayon kay Gerald Glenn Panganiban, Director ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry, nakalagay sa deklarasyon na ang kargamento ay naglalaman ng 550 metric tons ng frozen fried taro sticks, taro sweet potato balls, at assorted frozen food products.
Pero, nang inspeksyunin, natuklasang may mackerel sa kargamento at hindi taro products na naunang idineklara.
Ang consignee ng shipment ay ang Straradava at dumating ito noong January 21.
Sinabi ni Henrick Exconde, officer-in-charge at area manager ng Plant Quarantine Service sa Manila South Harbor
Exconde na ang ibang shipments ay hiningan na ng request order para isailalim sa full inspection.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, determinado ang DA na ipatupad ang Anti-Agricultural Economics Sabotage Act upang protektahan ang mga consumer, bantayan ang mga magsasaka at ingatan ang buwis ng gobyerno.