KASO AT PARUSA SA MGA MAHUHULING NAGBEBENTA NG KARNE NG ASO, IGINIIT

Nagpaalala ang animal welfare organization sa mga kasong maaaring harapin ng mga illegal na nagbebenta ng karne ng aso o pusa.

Sa panayam kay Animal Kingdom Foundation Program Director Atty. Heidi Caguioa, bunsod ito ng mga nakababahalang ulat na kanilang natatanggap umanong report ukol sa mga kinakatay na aso at pagbebenta ng karne nito o illegal meat trading.

Ang pinakamabigat na pwede ipataw sa sino man lalabag sa Animal welfare law ay haharap sa pagkakakulong na nasa hanggang dalawang taon at hanggang 50,000 pesos na multa.

Maaari din makasuhan ang mga ito ng Anti-rabies law at ang mahuhuling nagbebenta o nangangatay ng karne ng aso o pusa o tinatawag na ‘hot meat’ ayon sa National Meat Inspection Law ay haharap sa aabot sa 1 milyong pisong multa na may kasamang pagkakakulong.

Bukod sa karne ng aso, inihayag naman nito na wala pa naman nairereport sa tanggapan na nangangatay o nagbebenta ng karne ng pusa.

Nagpapalaganap naman ang tanggapan ng kaalaman sa mga komunidad upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng makataong pangangalaga sa mga alagang hayop tulad ng aso at pusa.

Ito ay matapos ang naging operasyon ng awtoridad sa Bautista, Pangasinan kung saan nahuli ang isang lalaki na nagbebenta ng iba’t ibang putahe ng karne ng aso sa isang karinderya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments