Kaso Dengue sa Cauayan City, Pumalo sa 68 Ngayong Agosto!

Cauayan City, Isabela – Umaabot na sa animnapu’t walong kaso na ng dengue ang naitala ng City Health Office 1 mula noong unang araw ng buwan ng Agosto taong kasalukuyan.

Dahil dito puspusan ang ginagawang pagpapaalala ng City Health Office sa mga mamamayan ng lungsod ng Cauayan na panatilihing malinis ang kapaligiran upang makaiwas sa kagat ng lamok o magkaroon ng sakit na dengue.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Health Education Promotion Officer Errol Rudolf Maximo ng City Health Office 1 na wala naman umanong mga biktima ng dengue na nasa kritikal na kalagayan ngunit hindi umano maaring makampante kung kaya’t patuloy nilang ipinapaalala ang kahalagahan ng kalinisan sa kapaligiran.


Sa lahat ng barangay sa lungsod ng Cauayan ay nangunguna ang barangay ng San Fermin na may pinakamaraming bilang ng kaso ng dengue kung saan ay umaabot ito sa labing pitong bilang ng biktima.

Sumunod dito ang Brgy. Cabaruan na may anim na kaso ng dengue at pumapangatlo ang Brgy. Mabantal na may limang kaso ng sakit ng dengue.

Samantala pinakamainam umano ang kasabihang “Prevention is Better than Cure” kung kaya’t isa ito sa pangunahing ipinapaalala ng CHO1 na dapat tandaan ng lahat upang makaiwas sa nakakamatay na sakit na dengue na kailangang maglinis sa mga bakuran.

Facebook Comments