Kaso laban kay dating Pangulong Aquino, inihain na sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Naisampa na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa madugong Mamasapano Massacre noong Enero 2015.

Magkahiwalay na kaso ang inihain laban kay Aquino isang bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at isang bilang din ng paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Official Functions.

Ang mga kaso ay may kaugnayan sa isinagawang Oplan Exodus dalawang taon na ang nakakalipas kung saan apatnaput apat na myembro ng Special Action Force ang namatay.


May pyansa namang P10,000 ang kaso para sa Usurpation of Official Functions at P30,000 para sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nauna nang naisampa sa Sandiganbayan ang kaso sa mga kapwa akusado ni Aquino na sina dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas.



Facebook Comments