Manila, Philippines – Gaya ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, diretso sa basurahan ang mga isinampang kaso laban kay dating Pangulong Benigno Simeon Aquino the third.
Ayon kay Atty. Mel Sta. Maria, Dean ng FEU Institute of Law, mahina ang mga asuntong isinampa laban kay Pnoy bunsod ng pagkamatay ng apatnaput-apat na miyembro ng Special Action Force sa Mamasapano mahigit dalawang taon na ang nakakaraan.
Paliwanag ni Sta. Maria, kailangan mapatunayan ng Ombudsman na may criminal intent at ginawang panghihimok ang dating pangulo sa mga SAF commando sa pumalpak nilang misyon noon para dakpin sina Marwan at Basit Usman.
Ito rin malamang ang mga dahilan kung bakit binatikos ni Pangulong Duterte si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na bugok ang rekomendasyon ng ombudsman na kasuhan ng Usurpation of Authority si Aquino.
Ang boses nina Pangulong Rodrigo Duterte at FEU Institute of Law Dean Atty. Mel Santa Maria.