Magnitude 7.8 na lindol, yumanig sa Russia – tsunami, ibinabala

208

World – Nakataas ngayon ang tsunami alert matapos ang magnitude na 7.8 na lindol sa Kamchatka Peninsula sa Russia kaninang umaga.

Ayon sa pacific tsunami warning center maaring maranasan ang malalaking alon sa Guam, Hawaii, Japan, Johnston Atoll, Marshall Islands, Midway Island, Northern Marianas, Northwestern Hawaiian Islands, Russia, Wake Island at Yap.

May lalim na 11 kilometro ang lindol na tumama sa karagatan batay na rin sa U-S Geological Survey pero malayo ito sa main land Russia.

Facebook Comments