Kaso laban kina dating PNP Chief Alan Purisima at SAF Chief Getulio Napenas, ibinasura ng Sandiganbayan

714

Ibinasura ng Sandiganbayan 4th Division ang mga kaso laban kina dating Philippine National Police Chief Allan Purisima at Special Action Force Chief Getulio Napeñas kaugnay ng Mamasapano incident kung saan nasawi ang 44 pulis.

 

Ito ay dahil sa kawalan ng probable cause para patunayan ng prosekusyon na nakinabang ang mga ito sa operasyon.


 

Ang kasong usurpation of official functions at graft ay kaugnay ng isinagawang operasyon ng SAF noong Disyembre 2014 hanggang Enero 2015 para mapatay ang international terrorist na si Zulkifli Abdhir alyas Marwan at Akmad Batabol alyas Basit Usman.

 

Ayon sa Ombudsman suspendido si Purisima bilang hepe ng PNP subalit ito ang nagmamando kay Napenas sa pagsasagawa ng operasyon na tinawag na Oplan Exodus.

 

Kasama si Napenas sa kinasuhan dahil alam umano nito na suspendido si Purisima subalit sinusunod niya ito.

 

Nauna ng binawi ng prosekusyon ang kasong isinampa nito laban kay dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III dahil sa kakulangan ng ebidensya. Pinayagan ng korte ang ginawang ito ng Ombudsman.

Facebook Comments