Kaso laban sa 4 katao na nahulihan ng isang kilo ng shabu inihanda na

Inihahanda na ng PDEA-ARMM ang kaso laban sa apat katao na nahulihan ng isang kilo ng shabu noong biyernes ng hapon sa Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao sa isang drug buy bust operation. Kasong paglabag sa RA-9165 ang isasampa bukas ng PDEA-ARMM sa Maguindanao Prosecutors office kina Mahmod Guiamalodin Dimodtang 48 anyos, Saiden Adil Yusa alyas Erin 30 anyos, Nasser Kumurindong Pasawilan 30 anyos at ang isang teacher ng Datu Unsay Elementary School nasi Salama Diwa Talib 46 anyos. Nagpasalamat naman si Director Azurin sa civiliang nagbigay ng information sa kanila upang malaman ang ginagawang pagtutulak ng droga ng mga suspect..Maraming masiraan umano ng isip kung naikalat sa publiko ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.8 milyon pesos.

Facebook Comments