Laborer, Timbog sa Buy Bust Operation!

San Mariano, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos magsagawa ng Drug Buy Bust Operation ang pinagsanib na pwersa ng PNP San Mariano at PDEA Region 2 kahapon sa Brgy. Santa Filomena, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ronald Butial, dalawampu’t pitong taong gulang, may asawa, laborer, at residente sa naturang lugar.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, nahuli ang suspek matapos ang ikinasang operasyon ng mga otoridad kung saan ay nakuha mula sa pag-iingat nito ang isang sachet ng hinihinalang shabu, isang libong piso na ginamit bilang mark money, at isang unit ng motorsiklo na walang plaka.


Agad namang dinala ang suspek sa himpilan ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments