Kaso laban sa 5 pulis na sangkot sa pagdukot sa mga sabungero, inihahanda na ng CIDG

Inihahanda na ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga kaso laban sa limang pulis na idinadawit sa pagdukot sa e-sabong master agent sa San Pablo City sa Laguna.

Sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ni CIDG Director Eliseo Cruz na inaayos na lamang ang mga sinumpaang salaysay at mga ebidensiya para sa pagsasampa ng kaso sa pagkawala ni Ricardo Lasco.

Nasa apat aniya na witness ang naroon nang maganap ang insidente at positibong tinukoy ng mga ito ang mga suspek batay sa ipinresinta ng CIDG sa pakikipagtulungan sa Police Regional Office (PRO) CALABARZON.


Si Lasco ay dinukot umano ng humigit kumulang na sampung armadong kalalakihan sa kaniyang bahay sa San Pablo City noong Agosto 30, 2021.

Samantala, sa ngayon ay wala pang nakikita ang CIDG kung ano ang tunay na motibo sa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Facebook Comments