POZORRUBIO, PANGASINAN – Inihahanda na ng Pangasinan Police Provincial Office ang kaso laban sa isang babaeng nagpakalat ng fake news.
Ayon sa report ng pulisya, nagpost sa social media ang isang 25 anyos na babae na mayroon umanong isang biktima ng kidnapping sa bayan na sapilitang isinakay sa isang itim na van.
Agad na nagsagawa ng cyber patrolling ang pulisya ukol sa naturang post at nagsagawa ang mga ito ng panayam sa sinasabing biktima maging sa kapitbahay at posibleng nakakita umano sa insidente.
Kabilang din sa nireview ng kapulisan ang CCTV footage upang maisagawa ang balidasyon ng report.
Lumalabas sa imbestigasyon ng otoridad na ito ay walang basehan at hindi nangyari.
Dahil dito, nakipag ugnayan ang PANGPPO sa PNP Anti Cybercrime Group 1 upang masampahan ang salarin ng paglabag sa Violation of Article 154 ng Revised Penal Code in relation to section 6 RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Binigyang diin ni PANGPPO Provincial Director PCOL Jeff Fanged, na maging responsableng social media user at isipin munang mabuti ang bawat pinopost o ini-upload na impormasyon.
Nilinaw ni Fanged na hanggang sa ngayon walang kidnapping na nangyayari sa probinsya o kidnapping groups na nag-ooperate sa Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments