Guro sa Kalinga, Viral sa Pananakit sa Dalawang Grade 5 Student

89
Nagviral sa social media ang ginawang pananakit ng Guro ng isang pampublikong paaralan sa dalawang Grade 5 student sa Tinglayan, Kalinga.

Makikita sa video na habang nasa blackboard ang dalawang mag-aaral na sumasagot sa kanilang mathematics subject ay bigla nalang lumapit ang guro at hinampas nito ang likuran ng dalawa sabay ng pagpingot sa kanilang tenga.

Batay sa video ng uploader, galit na galit ang guro dahil hindi makasagot ng tama ang dalawang estudyante.

Maririnig rin sa video na pinagsasabihan ng Guro ang dalawa na bakit hindi alam na sumagot sa kanilang subjects ngayong madali lang umano ito gaya ng subtraction.

Sinisikap naman ng news team na mahingan ng pahayag ang DepED Cordillera para sa naturang isyu.

Facebook Comments