MANILA – Iginiit ni Senator Tg Guingona sa prosecution na tiyaking matibay at malakas ang mga ebidensyang ihahain nito laban sa mga tiwali sa pamahalaan.Ang pahayag ay ginawa ni Sen. Guingona, kaugnay pa rin sa pagpayag ng sandiganbayan 4th division na makapagpyansi si pork barrel scam queen janet lim napoles na nahaharap sa kasong plunder o pandarambong.Paalala ni Guingona sa prosecution, pera at tiwala ng taongbayan ang nakataya sa mga kasong katiwalian o pagkurakot sa pera ng bayan kaya dapat ay maging malakas ang mga kaso.Ayon kay Guingona, bagamat hindi naman makakalaya si napoles dahil sa iba pang mga kasong kinakahrao nito ay nakakadismaya pa rin ang pagpabor sa bail petition nito.Diin ni Guingona ang Plunder ay isang seryosong criminal offense at paglapastanga. Sa tiwala ng mamamayan kaya dapat matiyak na maipapataw ang karampatang parusa sa sinumang gagawa nito.
Kaso Laban Sa Mga Tiwali Sa Gobyerno, Dapat Tiyaking Malakas
Facebook Comments