Kaso laban sa PISTON, ikinakasa na ng LTFRB

Manila, Philippines – Ikinakasa na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kasong ihahain nila laban sa transport group na PISTON.

Kasunod ito ng dalawang araw na transport strike ng grupo bilang pagtutol sa planong pag-phase out sa mga jeepney bilang bahagi ng Transport Modernization Program.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra – obligado ang mga franchise owners ng jeepney na bigyan ng nararapat na serbisyo ang publiko na siyang labis na naapektuhan ng naturang tigil-pasada.


Malinaw aniya sa isang memorandum circular na nagbabawal sa mga transport group at mga operator na makilahok sa mga kilos protesta.

Facebook Comments