Kaso laban sa pulis na naaresto sa shabu drug bust sa Manila, pinalalakas ng DOJ

 

Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinalalakas pa ng kanilang hanay ang isasampang kaso laban sa pulis na nahuli sa shabu drug bust sa Manila noong nakaraang taon.

Pahayag ito ni Remulla matapos ang clarificatory meeting ng Department of Justice (DOJ) prosecutors at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.

Ayon kay Remulla, dapat ay konkreto, credible at airtight ang kaso laban kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr., na naaresto nang magsagawa ng drug bust kung saan 990 na kilo ng shabu ang nakumpiska.


Hinikayat ng kalihim ang prosecutors na makipag-ugnayan sa iba’t ibang law enforcement agencies para makakalap ng sapat na ebidensya.

Mahalaga ayon kay Remulla na hindi sa basurahan mapupunta ang kaso lalo’t isang pulis na ang sangkot sa illegal na droga.

Facebook Comments