Tumaas ng 107% ang bilang ng mga kaso ng Acute Gastroenteritis sa Pangasinan ngayong taon.
Ayon sa Provincial Health Office, mayroong ng 3461 na kaso sa probinsiya simula Enero 1 hanggang Hulyo 18.
Sa nasabing bilang 19 na dito ang nasawi noong 2021, nasa 1, 674 lamang ang kaso ng tinamaan ng sakit sa probinsiya.
Ilan sa mga sintomas ng Acute Gastroenteritis ang pagsusuka o pagtatae. Kadalasan, mga bata ang tinatamaan ng sakit na ito.
Payo ng awtoridad para makaiwas sa sakit, ugaliing pakuluan ang inuming tubig. Ugaliin rin ang palagiang paghuhugas ng kamay at tiyaking malinis at maayos ang paghahanda ng pagkain.
Binigyan diin ng health authorities na agad dalhin ang isang indibidwal na tinamaan ng sakit sa hospital. |ifmnews
Facebook Comments