BABAE NASCAM NG P18,000 SA NAGPAKILALANG DOG BREEDER ONLINE

14
Kalibo, Aklan- Umabot sa P18,000 ang naipadalang pera ng isang babae sa nagpakilalang nagtitinda ng husky breed online. Sa salaysay ng 37 anyos na biktima sa RMN, nagpost umano sa isang dog breeder page ang lalaking nagpakilalang MICHAEL SOGALA ng Guimbal Iloilo na nagtitinda ng nasabing aso dahilan para i-private message niya ito Tig 12k umano ang tinitinda nitong aso at kumpleto na ng mga papeles ngunit kung tatlo ang kanyang bibilhin ay bibigyan pa siya ng discount at free delivery pa sa Aklan. Dahil sa mas mura at sobrang cute umano ng mga aso , bumili ng tatlo ang babae at nagkasundong ipadala ang pera sa isang remittance center. Unang nagpadala ng 12k ang babae ngunit kalaunan ay nagpadagdag pa ito ng 3k para sa transpo at tatlong libo ulit dahil wala umano silang madaanan na ATM Nagpadala naman ulit ang babae ngunit nagtaka na ito na ilang oras na ang nakaraan at wala pa ring dumarating sa kanilang pick up point sa capitol. Tinawagan nito ang numerong ibinigay ngunit hindi na nagriring at hindi na rin makita ang account nito online pati na ang mga post nito. Doon na napagtanto ng biktima na scammer ang nasabing lalaki at kahit proof of identity nito ay walang ipinakita dahilan para ipinablotter na niya ito sa Kalibo PNP Payo din nito sa mga bibili online na huwag magpadala ng pera ng basta basta at nakabubuting personal nalang ang transaksyon.
Facebook Comments