Kaso ng African Swine Fever sa Isabela, Naitala ng DA Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Nakapagtala na ang Department of Agriculture Region 2 ng unang kaso ng African Swine Fever sa Lalawigan ng Isabela matapos magpositibo sa resulta ng blood sample na sinuri ng Bureau of Animal Industry.

 

Ayon kay Regional Director Narciso Edillo ng DA Region 2, kinumpirma nito na sa dalawang bayan ng Mallig at Quirino ang mga positibo sa ASF sa mga backyards ng mga hograisers.
Sinabi pa ni RD Edillo na masusi nilang minomonitor ang mga babuyan sa kalapit na Probinsya ng Kalinga, Ifugao at Benguet na apektado ng ASF.

 

Pinaniniwalaan pang nagmula ang karne ng baboy sa Kalinga na nakahawa sa mga alagang baboy sa bayan ng Mallig.


 

Pinawi naman ang pangamba ng publiko na hindi dapat maalarma dahil mahigpit ang kanilang hakbang para makontrol ang ASF sa dalawang bayan.

 

Nagpaalala pa ito sa publiko na iwasan ang pagpapakain ng pinaghugasan na mga tirang pagkain para masiguro ang hindi pagkakasakit ng alagang baboy.

Facebook Comments