KASO NG AKSIDENTE SA LANSANGAN, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NA ISABELA COPS

Cauayan City – Isa ang aksidente sa lansangan sa pinakamadalas na insidenteng naitatala sa lalawigan ng Isabela kaya naman mahigpit na pagbabantay ang ginagawa ng kapulisan sa lalawigan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Police Colonel Lee Allen Bauding ang siyang Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, bago pa man ito umupo bilang Provincial Director ay napansin na nito ang mataas na bilang ng Vehicular Accidents.

Dahil dito, kaagad siyang nagpatawag ng pagpupulong kasama ang Land Transportation Office at Liga ng mga Barangay mula sa lalawigan ng Isabela at dito nga nakita na madalas na sanhi ng aksidente sa lansangan ay human error.


Bukod pa rito, nagbigay rin siya ng direktiba sa lahat ng mga bayan sa Isabela upang bisitahin ang bawat barangay sa kanilang nasasakupan upang magbigay paalala kaugnay sa pag-iwas na masangkot sa aksidente.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments