Kaso ng ASF sa bansa, bumaba

 

Kinumpirma ng Department of Agriculture sa Kamara na bumaba na ang kaso ng African Swine Fever sa Pilipinas.

 

Sa joint meeting ng House Committee on Agriculture and Food at House Committee on Local Government, sinabi ni Bureau of Animal Industry Director Ronnie Domingo na nakatulong ang mainit na klima sa pagbaba ng kaso ng ASF sa bansa.

 

Paliwanag nito, takot ang ASF sa dry season katulad sa Pilipinas.


 

Nakatulong din sa pagbaba ng ASF ang pagiging mulat ng mga magbababoy at ng lokal na pamahalaan sa problema sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kanya-kanyang control measures.

 

Samantala, umapela naman ang mga pork producers sa mga LGUs na tanggalin na ang pork ban na ipinapatupad dahil hirap na umano silang maibenta ang mga baboy dahil sa ilang mga lalawigan na nagsara ng kanilang mga borders.

 

Iminungkahi naman ni DA Undersecretary Ariel Cayanan na magkaroon ng dayalogo ang mga hog raisers at pork producers sa LGUs upang ikunsidera ang pagluwag sa pagpasok ng mga baboy sa kanilang lugar lalo na kung wala na rin namang banta ng ASF.

Facebook Comments