Kaso ng ASF sa bansa, nadagdagan pa ng 250

Nadagdagan pa ng 250 ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa buong bansa.

Batay sa report na isinumite sa World Organization for Animal Health (WOAH), 199 ang naitalang bagong ASF cases sa Visayas at Mindanao habang 51 naman sa Luzon.

Sa kasalukuyan ay nakakaranas din ng outbreak ang mga lalawigan ng Leyte at Northern Samar sa Visayas habang problema rin ito ngayon sa Agusan del Norte, Misamis Oriental, North Cotabato at Surigao del Sur sa Mindanao.


Mayroon ding ASF outbreak sa Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Ifugao, Isabela, Marinduque, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Quezon

Dahil dito, pumalo na sa 10,068 ang kabuuang kaso ng ASF sa bansa mula noong una itong matukoy noong 2019.

Mahigit 414,000 din ang mga pinatay na baboy sa Luzon at 66,650 naman sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments