Kaso ng avian flu sa tao, hindi pa naitatala sa bansa – DOH

Wala pang naitatalang kaso ng tao na nahawaan ng avian influenza rito sa bansa.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) matapos na matukoy ang naturang sakit sa ilang bansa.

Ayon kay Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa Stage 2 ng 4-tier preparedness at response plan na nangangahulugan na ang bird flu ay kasalukuyang natutukoy pa lamang sa mga domestic fowl.


Ang avian influenza ay isang viral disease na nakakaapekto sa mga ligaw at alagang ibon.

Ang pinakamatinding strain nito ay tinatawag na highly pathogenic avian influenza (HPAI), na kilala rin bilang high path, at kabilang ang H5N1 virus.

Ang strain na ito ay kilala na nakamamatay sa mga manok at posibleng nakamamatay rin sa mga tao.

Facebook Comments