United Broilers Association at SINAG, mga stakeholder sa agri sector, nagpahayag ng pagkadismaya sa patuloy na smuggling

Nanawagan ang United Broiler Raisers Association at Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magtalaga na ng kalihim ng Department of Agriculture (DA) upang mapalakas ang kampanya laban sa agricultural smuggling.

Ito ang nagkaisang panawagan ng dalawang grupo sa harap na rin ng anila’y patuloy na pamamayagpag ng smuggling na pumapatay sa mga local producer.

Naniniwala ang mga stakeholder na kailangan na ng permanenteng kalihim upang mayroong kokonsulta at makikinig sa mga hinaing ng mga ito.


Sinabi ni SINAG President Rosendo So na kung ang simpleng problema sa sibuyas ay hindi maresolba ng gobyerno, paano magiging positibo ang mga nasa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments