Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong araw na pumalo na sa apat ang naitalang kaso ng BF.7 Omicron subvariant sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, ang BF.7 ay mula sa BA.5 subvariant ng Omicron na sinasabing dahilan ng panibagong surge ngayon ng mga kaso sa China.
Dagdag pa ng DOH, sa ngayon ay wala naman silang nakikitang pagkakaiba sa severity o clinical manifestations sa pagitan ng BF.7 at ng orihinal na Omicron variant.
Una na rin inihayag kahapon ng DOH nakapagtala ng unang kaso ng BF.7 Omicron subvariant sa Metro Manila.
Kaugnay nito, muling hinikayat ng ahensya ang publiko na patuloy na tumalima sa mga umiiral na safety and health protocols upang makaiwas na mahawaan ng nasabing virus lalo na ngayong holiday season.
Samantala, sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na kailangan masusing pag-aralan ng pamahalaan kung magpapatupad ng border control sa bansa kasunod ng nararanasang COVID-19 surge sa China at naitalang kaso ng BF.7 Omicron subvariant.