Pagpasa sa panukalang MIF, magandang regalo ng Kamara sa mga Pilipino

Ikinalugod ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Representative Manuel Jose Dalipe na agad naipasa ng Kamara ang House Bill 6708 na siyang lilikha sa Maharlika Investment Fund o MIF.

Para kay Dalipe, ito ang pinakamagandang regalo ng Mababang Kapulungan sa mamamayang Pilipino ngayong Pasko.

Paliwanag ni Dalipe, ang MIF ay tiyak makakapagbigay ng pondo na magagamit sa pagpapasigla ng ekonomiya at pag-angat sa buhay ng taumbayan.


Giit ni Dalipe, kailangang mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiya na labis na naapektuhan ng Coronavirus pandemic.

Facebook Comments