Papaigtingin pa ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang laban sa mga kaso ng bullying sa mga paaralan.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Micheal Poa, matagal nang hamon sa kagawaran ang pang-aabuso at bullying sa mga eskwelahan.
Ipinatutupad naman aniya ng DepEd ang preventive at responsive measures sa lahat ng school level.
Dagdag pa ni Poa, may child protection committee naman sa bawat paaralan na kinabibilangan ng school head, student representatives at guidance counselors na responsable sa responsive efforts.
Matatandaang, isinulong ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio ang pagkakaroon ng child protection unit para tulungan ang mga mag-aaral.
Facebook Comments