Patuloy ang adbokasiya ng kapulisan sa Ilocos Region na tugunan at saklolohan ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan.
Sa ilalim ng MAKABATA Helpline 1383, bente kwatro oras na maaaring magsumbong ang mga kabataan kalakip ng agarang pagresponde sa anumang pangangailangan ng tulong.
Iginiit din na protektado at itinuturing na confidential ang bawat detalyeng ibinabahagi sa hotline.
Ayon sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Police Regional Office 1 (PRO 1), nasa 868 na kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan at mga bata ang kanilang naitala noong January 1-November 30, taong 2025.
Bagamat mas mababa ito kumapara noong 2024 na nasa 1,227, binigyang diin pa rin ng awtoridad ang kahalagahan ng mga bata sa lipunan at mapanatiling sila ay protektado laban sa mga mapang-abuso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







