Kaso ng COVID-19 kada araw, posibleng umakyat na naman sa isang libo ngayong holiday season ayon sa OCTA research group; COVID-19 cases sa katapusan ng 2020, posibleng pumalo ng kalahating milyon!

Posibleng tumaas na naman sa isang libo (1,000) kada araw ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nitong holiday season.

Ito ang babala ng OCTA Research Group kung hindi oobserbahan ng publiko ang minimum health standards na itinakda ng gobyerno ngayong kapaskuhan.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, noong buwan ng August, ang average cases ng COVID-19 sa Metro Manila ay 2,000 kada araw.


Sa ngayon ay nasa 400 per day na lang kung saan malaki ang ibinaba.

Pero giit ni David, ang pagflatten ng COVID-19 curb ay hindi indikasyon na kailangan na natin luwagan ang mga ipinapatupad na quarantine restrictions.

Aniya, maaaring bumalik sa 1,000 per day ang COVID-19 cases kung magpapabaya ang publiko.

Sa ngayon ay nasa 436,345 cases ang confirmed COVID-19 sa bansa kung saan 399,457 rito ang gumaling na habang 8,509 ang nasawi.

Sa pagtataya ng OCTA Research Group, posibleng pumalo sa 500,000 ang COVID-19 cases sa katapusan ng taong 2020.

Facebook Comments