Sa naitalang 109 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, 52 dito ay mula sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa ngayon mayroon 3,328 na aktibong kaso sa bansa.
Ang positivity rate naman ay nasa 1.2 percent.
Sinabi naman ni David na inaasahan nilang aabot sa 210 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.
Nauna nang nagbabala ang Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) sa posibleng pagtaas muli ng kaso ngayong buwan kasunod ng May 9 elections.
Facebook Comments