Midyear bonus ng mga pulis, matatangap sa May 17

129

Ire-release na ang P7.3 bilyong alokasyon para sa mid-year bonus ng mahigit 222 libong tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag PNP Officer in Charge PLt. General Vicente Danao Jr.

Aniya, ang nasabing halaga ay mula sa regular na appropriation ng budget ng PNP para sa taong ito.


Ayon kay PNP Finance Service Director, BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., matatanggap na ng kanilang mga tauhan sa kanilang Landbank ATM Payroll Accounts ang kanilang bonus na katumbas ng isang buwang “basic pay” sa May 17.

Batay sa Tax Reform Acceleration and Inclusion o (TRAIN) Law, ang anumang bonus na higit sa P90,000 ay papatawan ng withholding tax.

Nilinaw naman ni Danao na hindi kasama sa mabibigyan ng bonus ang mga tauhan nila na nahatulan ng “guilty” sa administratibo o kriminal na kaso sa loob ng fiscal year 2022.



Facebook Comments