Inaasahang papalo ng higit dalawang libo ang bagong kaso ng COVID-19 na maitatala ng Department of Health ngayong araw.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, kinakailangang mas maging maingat ang publiko ngayon lalo na’t tuloy-tuloy ang mga pagtitipon ngayong holiday season.
Noong Miyerkules, sinabi ni David na posibleng umabot sa 1,600 hanggang 2,000 ang kaso ng COVID-19 kahapon kung saan nasa 1,623 ang bagong kaso na naitala ng DOH.
Sinabi naman ng DOH na hindi dapat balewalain ang pagdoble ng mga bagong naitatalang kaso at ituring na nandito na ang mas nakakahawang Omicron variant.
Facebook Comments