Mula Abril 11 hanggang 17, 2022, 1,674 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na Semana Santa ay nasa 239, kung saan mas mababa ito ng 12 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Abril 4 hanggang 10.
Sa mga bagong kaso, 1 sa mga ito ang nasa kritikal na kalagayan habang 200 ang bagong binawian ng buhay.
Kahapon, Abril 17, 2022, 664 na COVID patients na nasa kritikal ang naka-admit sa mga ospital.
Sa 2,842 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 450 (15.8%) ang okupado.
Samantala, 16.9% ng 24,645 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Facebook Comments