Klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa, suspendido mula Mayo 2-13

122

Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula Mayo 2 hanggang 13.

Ito ay upang bigyang-daan mga aktibidad na may kaugnayan sa Eleksyon 2022.

Ayon sa DepEd, ang kautusan ay alinsunod sa DepEd Order No. 29 na naglalaan sa mga nasabing araw para sa National Election-related activities ng mga guro at kawani ng kagawaran ng edukasyon.


Gayunpaman, ang mga guro ay inaasahan pa ring mag-report sa kanilang paaralan sa mga araw na walang election-related duties o aktibidad ang mga ito.

Facebook Comments