Kaso ng COVID-19 positive sa Mandaluyong, nadagdagan pa ng 3

Umakyat na ang bilang ng kaso ng kompermadong nag positibo sa COVID-19 sa Lungsod ng Mandaluyong.

Batay sa datos ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong, kahapon mayroong tatlong indibidwal na residente ng nasabing lungsod ang naidagdag sa kanilang listahan na COVID-19 positive, kung saan aabot na ito sa labing tatlo, dahil noong March 18, nagtala ito ng sampong kaso na positibo ng nasabing virus.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, tumaas din ang bilang nga mga person under investigation o PUIs mula labing dalawa, ngayon tatlung put tatlo na ito.


Habang aniya, 350 na ang Person Under Monitoring (PUM) mula sa huling bilang nito na 260.

Sinabi ng alkalde na mula sa labing tatlong COVID-19 positive sa kanyang lungsod, lima rito ang mula sa Barangay Highway Hills kung saan ito ang may pinakamaraming kaso ng nasabing virus.

Tig iisa naman anya mula sa mga Barangay ng Plainview, Daan Bangkal, Hulo, Vergara, Wackwack, Mauway, Addition Hills, at Barangka Ilaya.

Kahapon, isinailalim ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong ang Barangay Highway Hills at Barangay Mauway sa Extreme Community Quarantine, ibig sabihin isinara ito sa mga lalabas at papasok sa nasabing mga Barangay.

Tanging aniya mga frontliners lang mandaluyong government ang maaraing pumasok upang magbigay ng tulong sa mga residente sa mga Barangay Highway Hills at Mauway.

Facebook Comments