Umakyat na sa apat na put dalawa ang nag positibo sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa Lungsod ng San Juan.
Noong March 20 ay nasa tatlong put lima ang COVID-19 positive, dalawang araw lang ang nakalipas pito agad ang na dagdag nito. Kung saan umabot na sa apat na put dalawa ang pasyente ng San Juan City na positibo sa nasabing virus.
Batay sa bagong tala ng San Juan City government, nasa 148 na ang persons under investigations o PUIs at 86 ang Persons Under Monitoring (PUM).
Ang Barangay Greenhills ang may pinakamaraming kaso na nag positibo sa COVID-19 sa lahat ng Barangay ng San Juan City kung saan nasa labing apat na ito.
Sumunod naman ang West Crame na mayroon labing dalawang COVID-19 positive.
Tig dalawa sa Sta. Lucia, Maytunas, Little Baguio, ay Corazon De Jesus.
May tig isang COVID-19 positive naman ang ilang Barangay ng San Juan tulad ng addition hills, Balong-Bato, Kabayanan, Rivera, Salapan, San Perfecto, at St. Joseph.