Kaso ng COVID-19 sa bansa, inaasahang tataas pa!

Inaasahan ng Department of Health (DOH) na sisirit pa ang kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo matapos makitaan ng “peak” ang mga naitatalang kaso ng virus sa bansa.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mahigpit ding binabantayan ang National Capital Region (NCR) kasunod ng pagdoble ng average na bilang ng mga kaso sa rehiyon na umabot na sa 70 percent.

Maliban sa NCR ay binabantayan din ang pagtaas ng kaso ng virus sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Northern Mindanao.


Tinukoy rin ni Vergeire na ang pagpasok Omicron subvariants na BA 2.12.1; BA.4; at BA.5; ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa gayundin ang pagtaas ng mobility at ang humihinang immunity sa sakit ng nabakunahang populasyon.

Nagbabala naman ang opisyal sa publiko na posibleng ito na ang simula ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa susunod na dalawang linggo

Facebook Comments